Alyssa Muhlach bilang 2018 Reina Hispanoamericana Filipinas: ‘Because of God’s help’

Ibinunyag ng bagong Reina Hispanoamericana Filipinas na si Alyssa Muhlach Alvarez na ang Diyos ang kanyang naging susi para masungkit ang nasabing title sa ginanap na Miss World-Philippines 2018 nitong weekend.

Ayon sa 22-year-old “accomplished singer” mula Pasig City, ginabayan siya ng Diyos kung kaya nagawa niyang maibigay ang kanyang best at siyang pinagpasahan ng korona ng aktres na si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez.

Mistula namang babaunin din ni Alyssa sa Reina Hispanoamericana pageant ang Bible verse na magagawa nito ang lahat basta’t manampalataya sa Panginoon.

“Thank you so much Papa God for always giving me the strength that I need. I tried my very best and I know that I am where I am today because of God’s help and guidance. Throughout the competition, I always reminded myself of my life verse, Philippians 4:13: I can do all things through Christ who strengthens me,” bahagi ng caption nito.

READMORE AT: http://www.bomboradyo.com/alyssa-muhlach-bilang-2018-reina-hispanoamericana-filipinas-gods-help/


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *