Anak ng ng mag-asawang dati umanong NPA, pinabinyagan ng mga opisyal ng sundalo at pulis

Pinabinyagan ng mga opisyal ng Philippine Army at Philippine National Police ang anak ng mag-asawang dati umanong mga miyembro ng New People’s Army.

Bininyagan ang pitong buwang sanggol na si “Shaira Mae” sa St. John the Worker chapel sa loob ng Fort Magsaysay Military Reservation, Nueva alas dyes ng umaga noong December 20, 2019.

Ayon kay Maj. Isagani Gutierrez, spokesperson ng 7th Infantry Division, nagmagandang loob ang kasundaluhan sa mag-asawang Megan at Ninoy dahil sa kooperasyon ng mga ito sa gobyerno simula ng sila ay sumuko upang mabigyan umano ng mapayapang buhay ang kanilang anak.

Tumayong ninong ang dalawang mataas na opisyal ng 7ID na sina Lt. General Ramiro Manuel A. Rey, Northern Luzon Command chief at Maj. Gen. Lenard T. Agustin, 7ID “Kaugnay” commander, at Police Brig. Gen.  Rhodel Orden Sermonia, Police Regional Office 3 chief.- ulat ni Clariza de Guzman

https://youtu.be/ffCibevgNLg


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *