ANIS HIDAYAH EXECUTIVE DIRECTOR OF MIGRANT CARE INDONESIA, BUMISITA SA PAMILYA NI MARY JANE VELOSO

Isa sa may pinakamalaking naitulong upang hindi ma-execute si Mary Jane Veloso sa Indonesia ay ang Migrant Care na personal na kumausap kay Indonesian President Joko Wydodo. Ngayon ay bumisita si Anis Hidayah, Executive Director of Migrant Care Indonesia sa Pilipinas upang makita ang estado ng buhay nina Mary Jane at personal na makausap ang pamilya.

Patuloy pa rin ang kampanya ng pamilya ni Mary Jane Veloso kaagapay ang migrante at pamahalaang panlalawigan upang masigurado na may nakatutok pa rin sa kaso ni Mary Jane.

Hindi man tuluyang nabitay si Mary Jane sa Indonesia ay wala pa ring kasiguraduhan kung siya ay makakalaya pa.

Kasalukuyang lumalakad pa rin ang kaso ni Mary Jane. Kaya naman bumuo ng komite ang pamilya Veloso, migrante katulong ang provincial government upang masubaybayan ang laban ni Mary Jane at upang makatulong din sa ibang mga OFW na nakasalang sa death row sa ibat ibang bansa.

Bago matapos ang meeting bumisita din ang mga myembro ng Migrant Care kasama ang kanilang executive director na si  Anis Hidayah .

Ang migrant care ang isa sa mga kumausap kay President Joko Wydodo ng Indonesia upang pigilin ang execution kay Mary Jane.

Bumisita sa kanilang tahanan ang  Migrant Care kung saan nakita nito ang tunay na kalagayan ni Mary Jane kaya ito lumipad ng Indonesia.

Hindi napigil ni Anis na maging emosyonal ng makita ang estado ng buhay ni Mary Jane.

Sa isang maliit na bahay nagkakasya ang sampung katao para lamang may masilungan.

Bumabaha man tuwing may malalakas na bagyo ay pinipilit pa rin ng pamilya na maging masaya  sa kabila ng mga paghihirap sa buhay.

Naniniwala sina Anis na kailangang magkaisa ang mundo sa pagsagip sa buhay ng mga nakasalang sa death row, na walang tao ano man ang nasyonalidad ang mamatay sa kamay ng batas.

Katulad ng Pilipinas kahit ang Indonesia ay may mga OFW din abroad na nakasalang sa death row. Ayon sa Jakarta post 279 indonesian migrant workers ang kasalukuyang nahaharap sa posibleng death penalty, 36 dito ay nasa Saudi Arabia.

May iniwan din na mensahe si Anis sa pamilya ni Mary Jane.

Agad ding bumalik ng Maynila sina Anis Executive Director ng Migrant Care upang obserbahan ang legal process sa bansa.- Ulat ni Amber Salazar

[youtube=http://youtu.be/3nejghbYIsA]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *