Antas ng edukasyon, umarangkada sa pagpasok ng K-12 Program—Schools Division Superintendent Ronaldo Pozon

   “Celebrating K to 12 Community of Talents Soaring in Greater Heights”, ito ang naging tema ng selebrasyon ng ika-isang daan at labing limang taong anibersaryo ng Department of Education-Nueva Ecija Division.

   Ayon kay Schools Division Superintendent Ronaldo Pozon ng DepEd-Nueva Ecija, sa pagpasok ng K-12 program ay nagsimula na ring umarangkada ang antas ng edukasyon sa bansa.

Pinarangalan sa pagdiriwang ng ika-115th Anibersaryo ng DepEd-Nueva Ecija ang mga natatanging Pampublikong Paaralan ng Lalawigan ng Nueva Ecija.
Pinarangalan sa pagdiriwang ng ika-115th Anibersaryo ng DepEd-Nueva Ecija ang mga natatanging Pampublikong Paaralan ng Lalawigan ng Nueva Ecija.

   Bago ang implementasyon ng K-12 Kurikulum ay tanging ang PIlipinas na lamang sa buong Asya ang mayroong sampung taon ng basic education, kaya naman ipinatupad ito ng nakaraang Administrasyon at ng Kagawaran ng Edukasyon.

   Nagsilbi bilang isa sa Panauhing Pandangal si Former Governor Aurelio Umali sa nasabing pagdiriwang ng DepEd, na nagbigay pagpupugay sa kadakilaan ng mga guro sa pagtugon sa kanilang mga tungkulin.

Si Former Governor Aurelio Matias Umali habang tinatanggap ang Plaque of Appreciation bilang Panauhing Pandangal sa selebrasyon ng ika-115th Anniversary ng Department of Education-Nueva Ecija, kasama si Schools Division Superintendent Ronaldo Pozon.

   Binanggit din ng Dating Gobernador sa kanyang mensahe ang kanyang mga naipatayong classrooms at multi-purpose gym, sa loob ng kanyang tatlong termino bilang Punong Lalawigan ng Nueva Ecija.

   Samantala, bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang anibersaryo ay pinarangalan ang mga natatanging paaralan at mga District Supervisors ng Lalawigan ng Nueva Ecija.

   Itinampok din sa nasabing selebrasyon ang patimpalak para sa mga guro na nagtagisan ng galing sa pag-awit at pag-indak, kung saan nagkaloob si Former Governor Umali ng isang daang libong piso bilang karagdagang papremyo. -Ulat ni Jovelyn Astrero

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *