Apartment ng 2 empleyado ng mall, pinasok ng magnanakaw; 2 operator ng rice mill, inambush; 1 patay, 1 malubhang nasugatan

   Kinilala ang mga umuokopa sa door number 2 ng Maria Jean Galang apartment na sina Mary Grace Nulud y Cuyugan, 28-anyos, may asawa; at Joan de Villa y Yamar, 37, may asawa, kapwa nagtatrabaho sa SM City Cabanatuan.

Ang loob ng ninakawang apartment na inuupahan nina Mary Grace Nulud at Joan de Villa sa Villa Benita, Cabanatuan City.
Ang loob ng ninakawang apartment na inuupahan nina Mary Grace Nulud at Joan de Villa sa Villa Benita, Cabanatuan City.

   Base sa report ng Cabanatuan police station, 7:00 ng gabi nang matuklasang nilooban ang inuupahang silid ng dalawang biktima.

   Natangay ng mga hindi nakilalang suspek ang mga kagamitan ni nulud na isang Acer laptop computer worth php38, 000.00, hp laptop computer php15,000.00, isang mirror 3 Oppo cellphone na nagkakahalaga ng php10,000.00, dalawang Fossil wrist watches worth php17,000.00, Aeropostale wrist watch na halagang php3,500.00, Casio wrist watch php2,000.00, usb worth php900.00, assorted jewelries php13,000.00.

    Habang nakuha naman mula sa mga ari-arian ni Yamar ang isang HP notebook worth php15,000.00, mga alahas na nagkakahalaga ng php21,000.00, at Guess wrist watch na halagang php4,000.00.

Humampas sa pader ang ulo ni Julius Allas matapos nitong tamaan ng bala sa balikat at mawalan ng control sa manibela ng minamanehong motor sa Sto. Niño 3rd, San Jose City.
Humampas sa pader ang ulo ni Julius Allas matapos nitong tamaan ng bala sa balikat at mawalan ng control sa manibela ng minamanehong motor sa Sto. Niño 3rd, San Jose City.

    San Jose city- patay ang isang operator ng rice mill habang malubha namang nasugatan ang kasamahan nito matapos tambangan sa kahabaan ng San jose-Lupao provincial road sa barangay st. Nino 3rd.

   Kinilala ang mga biktimang sina Julius Allas y Cagape, 44-anyos, may asawa, at Bayani Costales y Julian, 55, kapwa residente ng barangay zone 11, barangay Abar 1st, San Jose city.

   Base sa imbestigasyon ng pulisya, 3:00 ng madaling araw, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa na pag-aari at minamaneho ni Allas pauwi ng kanilang tahanan galing sa pinagtatrabahuhang Five Golden Dragon sa barangay Balbalungao, Lupao nang overtakan ng isang kulay maroon na sedan at pinaputukan ng dalawang beses.

   Dahil tinamaan sa kaliwang balikat si Julius ay nawalan ito ng control sa manibela kaya bumangga ang ulo nito sa bakod ng Maxi Metal Firing Range na naging sanhi ng kanyang agad na kamatayan.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *