Apatnapu’t walong exhibitors dumalo sa Prelude Event Expo sa Talavera

Sa ikalawang pagkakaton, muling ginanap ang biggest and grandest year ng Prelude: The Wedding and Event Expo sa Crystal Waves Talavera noong February 1 at 2, ngayong taon.

Ayon sa Marketing Supervisor ng Crystal Waves na si Raquel Avila, layunin ng naturang programa na maipakita ang talento ng mga Novo Ecijano pagdating sa pag-organisa ng mga selebrasyon.

Higit apat na pung event organizers, stylists, fashion designers, catering services, at hosts ang dumalo sa dalawang araw na event na inorganisa ng Crystal Waves.

Tampok sa unang araw ng expo ang iba’t ibang paligsahan katulad ng inter-school competition, table setting and styling competition, at flower arrangement competition.

Habang hair and makeup show down, battle of brushes, at awarding of exhibitors naman ang naganap sa ikalawang araw ng event.

Ayon naman kay Provincial Tourism Officer, Jose Mari San Pedro, hindi nahuhuli ang probinsya ng nueva ecija sa pagiging handa at pagbibigay ng kalidad na serbisyo sa pag-organisa ng iba’t-ibang event.

Isa sa mga dumalo sa expo ay si Jervee June Jacobe na nagpa-book ng kanyang dream wedding sa Disyembre.

Malaking bagay umano sa kanilang mag-asawa ang maging handa para sa selebrasyon upang iwas-hassle at pagod.

Humakot ng awards ang Samthing Special Events na nagkamit ng Top Booker, Top Grosser, People’s Choice Award at Loyalty Award.

Nagwagi naman ng Php20,000 cash prize si Andy Paclibar mula Talavera at 2Halls worth Php90,000 si Algeen Bumanlag mula sa Licab, Nueva Ecija.

Nagpapasalamat naman si Avila sa mga dumalong exhibitors at sponsors ng nasabing event. – Ulat ni Shane Tolentino/El dela Cruz


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *