ARAW NG KALAYAAN, ISINIGAW MULI NG MGA PINOY

Natapos man ang araw ng pagdiwang ng ating ika-isang daan at labing pitong taon ng Philippine Independence Day ay hindi pa rin mapapawi sa ating mga kaisipan ang tunay na kahulugan ng kalayaan, ngunit ibat-ibang pananaw pa rin ng mga lahing Pilipino ang ating maririnig kapag binibigyang kahulugan kung ano nga ba ang kalayaan.

 

Atin simulan mula sa ating mga kababayan kung ano ang pananaw nila sa kalayaan na natatamo ng mga Novo Ecijano sa ating lalawigan.

 

Simple man ang naging selebrasyon ay naipakita pa rin ang pagtanaw sa makasaysayang pangyayari upang makalaya lamang tayong mga Pilipino sa kamay ng hukbong dayuhan.

 

Samantala, makulay na 3D lights show naman ang handog ng Emilio Aguinaldo Shrine sa Kawit Cavite upang alalahanin ang makasaysayang araw.

 

Nagkaroon ng video mapping sa naturang bahay kung saan unang winawagayway ang watawat ng Pilipinas noong June 12, 1898 upang maipakita ang kasaysayan ng Pilipinas bago makamit ang kalayaan.

 

Sa New York City naman nagdiwang ang humigit kumulang 3.4 million na ating kababayang Pilipino kahit hindi natin teritoryo ang naturang lugar ay nagkaroon  parin ng parada kung saan upang ipamulat sa ibang lahi ang kulturang Pinoy at para narin makaipon ng pondo na maaring maitulong hindi lang sa America kundi para sa ating bansa.

 

May pagkakamali pa nga rin ba sa kwento ng kasaysayan? Tulad na lamang ng aming nakuha sa youtube ani ng dalawang ito na hindi umano Visayas ang isa sa mga bituin sa watawat.

 

“Iisa lang ang ating lahi, Iisa lang ang ating Lipi.” “Kuminang na ang iyong Bituin at sumikat nang araw ang kalayaan mo’y isinisigaw.” Ilan lamang ito sa sikat na linya ng mga awiting Isang lahi at Dakilang Lahi na siyang hindi nabubura sa isip ng mga musikero at mang-aawit tuwing sasapit ang Araw ng kalayaan marami pa nga ang nadagdag na mga awitin tulad nalamang ng Bayan Ko, Tagumpay Nating Lahat, Lipad ng Pangarap at iba pa.

 

E paano naman ngayon ang International Singer na si Lea Salonga sa patuloy na batikos sa kanyang pananaw ukol sa kalayaan na ang

mga Tony Award Winner ang mismong sumagot sa kanyang tweet na “Our country is not yet debt-free, poverty, crime-free, or corruption-free. So what are we free from exactly and why do we celebrate it?”’ ayon kay Lea

 

Sagot naman ng nasabing grupo na “Kung hindi dahil sa nakamit na kalayaan, ay hindi niya malayang maihahayag angkanyang saloobin”.

Ngunit mayroon pa ring mga opinyon na nagpapatunay na hindi malaya ang Pinoy sa iba pang aspeto. Sa ilan pang mga pahayagan mababasa ang mga linyang, “Kung pawang mga bagabag at mga alalahanin ang sumasaiyo sa tuwina, hindi ka malaya.

 

Kung mayroong balakid, mga pagbabawal at pagkitil sa iyong mga karapatan, hindi ka Malaya.

Kung nais mong umunlad at guminhawa sa buhay, subalit pinipigil ka ng karalitaan, kakulangan sa edukasyon, mga koneksiyon sa lipunan, at mga pagkakataon, hindi ka malaya.

Positibo man o negatibo ang nagiging pananaw natin sa kalayaan ay maykarapatan parin ang bawat isa na ipagmalaki sa buong mundo at isigaw na “Pilipino Ako!” Ulat Ni Bituin Rodriguez


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *