Artista, wagi sa exhibition game vs KofC

Hindi magkamayaw sa paghiyaw ang libo-libong fans sa pagpasok ng koponan ng mga artista sa pagsisimula ng exhibition basketball game kontra sa mga miyembro ng Knight of Columbus (K of C) na ginanap sa San Jose City National High School Gym bilang parte ng selebrasyon ng Pagibang Dimara Festival 2018.      

Nagsamasama ang mga kapuso at kapamilya stars na kinabibilangan nina Mark Herras, Rocco Nacino, Jc Tiuseco, Jason Abalos, Carlo Aquino, Joross Gamboa, Khalil Ramos, Marco Gumabao, Jairus Aquino, Hashtag Jon Lucas at Hashtag Vitto Marquez.

Bawat dribbble at shoot ng bola ay todo hiyaw ang fans sa pag cheer sa kanilang mga iniidolong artista.

Ayon kay Mayor Kokoy Salvador, taon-taon ay pinipili nila na i-ikot sa iba’t-ibang sektor at organisasyon ang paglaban sa exhibition game upang mabigyan ng pagkakataon ang bawat grupo na makalaro ang mga artista.

Aniya, tatlong buwang preparasyon ang ginawa nila upang mabigyan ng todong kasiyahan ang mga tiga San Jose.

Sa huli, natapos ang laro sa iskor na 91-77 pabor sa koponan ng artista.

Sa pahayag ni City Tourism Officer Darmo Escuadro, ang Pagibang Damara ay ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa masaganang ani ng lungsod sa buong taon.

Ang selebrasyon ng Pagibang Damara ay nagsimula noong April 25 at nagtapos kahapon April 30, 2018. – Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *