ASEAN nanawagan sa bansang China, na ipatigil ang pag gawa ng mga isla sa West Philippine Sea

48th ASEAN FOREIGN MINISTERS MEETING. KUALA LUMPUR, MALAYSIA
48th ASEAN FOREIGN MINISTERS MEETING. KUALA LUMPUR, MALAYSIA

Nagkaisa ang sampung mga bansa na kabilang sa Association of South East Asian Nations o ASEAN na dapat itigil ng bansang China ang ginagawang mga man-made island sa West Philippine Sea. Naging dahilan ito upang lalong tumaas ang tensyon sa lugar dahil sa bukal na pakikialam ng mga bansang apektado nito.

Ang mga kasapi dito ay ang mga bansang ay ang Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand at Vietnam.

 

Chinese Foreign Minister Wang Yi (photo: AFP)
Chinese Foreign Minister Wang Yi (photo: AFP)

 

Nag bigay naman ng pahayag si Chinese Foreign Minister Wang Yi na handa ang Bansang China na makipag negosasyon sa ASEAN upang mapanatili ang kaayusan sa mga karatig bansa nito.

Nais i-implement ng China ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) and enhance consultations on the Code of Conduct (COC) upang magkaroon ng kapayapaan sa lugar.

Ani ng bansang China ay hindi dapat mag focus sa nine dash line ang ASEAN at ang dapat umanong i-sentro ng usapin ay ang hindi pagkakaunawaan ng mga bansa.

Kahit ang Japan at Estados Unidos ay umaasa na maresolba ng Declaration on the Conduct at Code of Conduct ang mga issue sa West Philippine Sea. Kung magiging maayos ang mga pag uusap ng mga bansa sa West Philippine Sea ay maaaring matapos ang sigalot na ito ng hindi dumadanak ang dugo.-Ulat ni Philip “Dobol P” Piccio

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *