Atty. San Pedro, itinalaga bilang bagong Provincial Tourism Chief ng Nueva Ecija

Pormal na ipinakilala ng Tourism Council and Officers si Attorney. Jose Maria Ceasar C. San Pedro kahapon sa ginanap na seminar sa Provincial Auditorium, Old Capitol Building, Cabanatuan City sa ganap na alas nuwebe ng umaga kahapon October 24, 2018.

Sa aming panayam kay Atty. San Pedro, sinabi nito na madali ang lang ang adjustment para sa kanya, dahil nanggaling ito sa pribadong sektor na may kaugnayan din sa turismo. May kakayahan naman aniya siya na magpatupad ng mga plano at alituntunin na makakatulong sa industriya ng turismo sa Nueva Ecija.

Si Atty. Jose Maria Ceasar C. San Pedro ay nagtapos ng Bachelor of laws noong 2015 sa San Beda College of Law in Manila at naipasa ang Philippine Bar Examination, naging miyembro ng Board of Directors ng iba’t ibang korporasyon at naging Board of Trustee ng ASKI micro finance corporation, naging provincial legal officer II , at ngayon ay itinalaga ng ina ng lalawigan at ni Atty Oyie Umali bilang bagong Provincial Tourism Head.

Ibinahagi pa Atty. San Pedro, ang mga plano niya sa probinsya katulad ng Kaligtasan at Seguridad, Transport Network, Tourism Sites, maging ang paggawa ng Tourism Packages.

Samantala, pagkatapos ipinakilala ang bagong Chief ng turismo ay ipinagpatuloy na ang seminar na patungkol sa Introduction to Homestay Program na accredited ng TESDA.

Ito ay community based tourism development program na kung saan tuturuan at hihikayatin ang mga mamamayang Novo Ecijano na buksan ang kanilang mga tahanan para sa karagdagang kita.

Dagdag pa nito Layunin aniya nito na makapagbigay ng trabaho, karagdagang kita sa sa bawat pamilya at nasasakupan para mabawasan o maibsan ang kahirapan sa bansa.

May mensahe naman si Noel Antolin, Sangguniang kabataan Fedaration President mula Llanera sa bagong itinalagang hepe ng turismo sa probinsiya.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *