Bagong facial centre sa Cabanatuan City, binuksan

Iba’t ibang mga affordable facial services ang pwedeng ma-avail ng mga Novo Ecijana sa kabubukas lang na Jelly Facial Centre na matatagpuan sa Burgos St., Cabanatuan City.

Ilan sa mga facial treatment na pwede mong ipagawa sa kanila ay ang iba’t ibang klase ng deep cleansing facial gaya ng age defying, acne control, oily skin and visible pores at mayroon ding pang-whitening at moisturizing na nagkakahalaga lang ng P148 to P1,097.

Mayroon din silang underarm bleaching na nagkakahalaga ng P299 at full body scrubbing and bleaching na ma-a-avail for only P499 to P547.

Kung gusto mo naman na ma-enhance ang iyong beauty ay may eyelash perming at eyelash extension din sila na nagkakalaga lang ng P300 to P400.

Isa rin sa pinakapatok nilang promo ngayon na tatagal hanggang sa January 1, 2020 ay ang Buy One Get one Facial + Diamond Peel Promo na may kasama pang Free Membership Card.

Ayon kay Jelly Ann Rivera, may-ari ng Jelly Facial Centre, ang pagiging conscious niya sa kanyang balat at passion sa skin care ang nagtuklak sa kanya para itayo ang clinic.

Sa halos limang taon niyang pagtatrabaho bilang isang skin care consultant at OIC ng isang kilalang skin care clinic sa Maynila ay doon niya natutunan ang mga kaalaman niya sa tamang pangangalaga sa balat na ibinabahagi naman niya ngayon sa mga kapwa niya Novo Ecijana.

Dagdag pa niya mahalaga ang pangangalaga sa ating balat dahil ito ang nagsisilbing panangga natin sa iba’t ibang mga impeksyon na maaaring makuha sa kapaligiran at kung may healthy skin ay maraming sakit din ang maiiwasan gaya ng pagtubo ng acne o tigyawat na isa sa pangkaraniwang problema ng mga kababaihan.

Bukod sa mga treatment at services na ino-offer nila ay mayroon din silang mga produktong ibinebenta na gawa mismo ng Jelly Facial Centre gaya ng sunblock at underarm whitening cream, mga toner at collagen soap.

Inanyayahan naman ni Ms. Jelly ang mga Novo Ecijana na bumisita sa kanilang clinic para sa affordable yet amazing service na bukas araw-araw mula alas-otso ng umaga hanggang alas-nueve ng gabi. –Ulat ni Jessa Dizon


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *