Bagong kampana ng St. Rose of Lima Parish Church, nagmula pa sa Netherlands

  Nagmula pa sa Royal bell company ng Netherlands ang bagong tansong kampana ng St. Rose of Lima Church na matataguan sa bayan ng Sta. Rosa, Nueva Ecija.

 Dumating ang bagong kampana na pinangalanang Sta. Rosa bell sa St. Rose of Lima  Parish Church noong February 7, 2019, na gawa sa purong tanso at may bigat na dalawang daan at animnapung kilo.

  Pagkaraan ng limang araw ay agad itong binasbasan ni Most Reverend Sofronio A. Bancud, Obispo ng Cabanatuan Kasabay ng kapistahan ng Our Lady of Lourdes noong February 11, 2019.

  Ayon kay Fr. Edwin Dizon, ang bell na ito ay sumisimbolo ng pagkaka-isa, pagsasama-sama at pagmamahal ng taong bayan ng Sta. Rosa, dahil nakita niya kung paano nagpursigi ang mga taga Sta. Rosa  na matupad at mabili ang kampana.

  Dagdag pa ni Fr. Edwin, mabilis nilang nalikom ang mahigit isang milyong pondo para sa pagbili ng Sta. Rosa bell at dahil na rin sa pagtutulungan ng iba’t ibang tao magmula sa pangkaraniwan gaya ng mga trycylce driver’s, may bahay, magsasaka, ordinaryong mananampalataya, hanggang sa mga lingcod ng simbahan at mga politiko.

  Si Fr. Edwin ay limang taon ng nananahan at pari sa St. Rose of Lima Parish Church at dahil din sa nais nitong may naririnig na kalembang ng kampana tuwing mag-uumpisa ang misa sa kanilang simbahan kaya niya pinangarap na makabili ng kampana.

  Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng  kuraparoko sa lahat ng mananampalataya na nasasakupan niya dahil ibinigay sa kaniya ang labis na pagtitiwala at suporta upang maganap ang isang makasaysayang yugto sa kanilang simbahan.

  Aniya siya ay isang instrumento lamang na ginagamit ng Diyos upang ang mga dakilang bagay ay maganap at mangyari.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *