BAGONG NUEVA ECIJA POLICE PROV’L DIRECTOR CORNEL, HIHIGITAN ANG PINALITANG SI DATING PD NIEVES

Pursigido ang bagong talagang Provincial Director ng Nueva Ecija Police na si PSSUPT Manuel “Maui” Cornel na pantayan kundi man mahigitan ang mga nakamit na tagumpay ng pinalitan sa katungkulan na si PSSUPT Crizaldo Nieves.

Newly assigned Prov’l Director of NEPPO PSSUPT Manuel Cornel shakes hand with Governor Aurelio Umali.
Newly assigned Prov’l Director of NEPPO PSSUPT Manuel Cornel shakes hand with Governor Aurelio Umali.

Ayon kay Provincial Director Cornel, maabot nya ang kanyang mga hangarin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting relasyon ng pulis sa komunidad na inilarawan nya bilang symbiotic relationship kung saan hindi mabubuhay ang isa kung wala ang isa pa.

Hinihikayat niya rin ang mga kapwa pulis na i-base sa tatlong pilosopiya na paglilingkod, karangalan, at hustisya upang maging matagumpay sa pagganap bilang tagapagpatupad ng batas.

Sa mensahe ni Gov Oyie Umali sa ginanap na turn-over of command sa NEPPO sinabi nitong palagi nyang aalalahanin at panghahawakan ang mga binitiwang salita ni PD Cornel.

PD “Maui” Cornel believes in the power of symbiotic relationship between men in uniform and the people as winning formula against criminality.
PD “Maui” Cornel believes in the power of symbiotic relationship between men in uniform and the people as winning formula against criminality.

Pinaalalahanan niya rin ang mga pulis na dala-dala nila ang pangalan ng lalawigan kung kaya dapat na maging maingat at marangal sila sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Ipinahayag naman ni OIC Police Regional Director PCSUPT Ronald Santos ang kanyang tiwala sa bagong PD na alam umano niyang sinserong magsisilbi sa mamamayan base na Cornel rin sa mga sinabi nito.

Maswerte aniya si Cornel dahil suportado ng mga local chief executives sa Nueva Ecija ang mga alagad ng batas sa pangunguna ni Governor Aurelio Umali.- ulat ni Clariza de Guzman

ang pag tetext ay nakakamatay


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *