Bagong P20.00 na barya at bagong disenyo ng P5.00, inilabas na

Noong December 17, 2019 inilabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang bagong anyo ng bente pesos na barya na ipapalit sa lumang bente pesos na papel.

Bente pesos na papel mabilis maluma dahil madalas na hawak ng mga tao –Deputy Director Mero Barbero

Ayon kay Deputy Director Meru Barbero ng BSP Cabanatuan Branch, bente pesos ang napiling palitan ng bangko sentral dahil sa pagsusuri raw ng bsp ito ang madalas na hawakan ng mga tao at mabilis maluma.

Sa bagong hugis at anyo ng bente pesos ay makikita pa rin ang mukha ng dating pangulong Manuel L. Quezon sa harapang bahagi ng barya at nakapalibot dito ay ang bronze plate.

At sa likurang bahagi nito ay makikita ang ‘NILAD’, ito ay isang uri ng mangrove kung saan hinango ang pangalan ng Maynila, at nakaukit rin dito ang logo ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Bagong disenyo ng limampiso, mayroong siyam na sulok o nonagon upang mas madaling makilala

Kasabay nito ay ang pagpapakita sa publiko sa bagong disenyo ng limangpisong barya.

Ayon kay Meru marami rin sa publiko ang nagsasabi at nagtatanong kung bakit magkapareho ang limangpisong barya at piso, at nagiging dahilan rin ng pagkalito ng mga mamimili kaya naman ginawan ito ng aksyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Makikita na ang bagong disenyo ng limampisong barya nay mayroong siyam na sulok o nonagon para mas madaling makilala at hindi makalito sa mga nagsusukli o sa mga mamimili.

Ipinagbigay alam rin ni Meru na ang bente pesos na papel ay maari pa rin namang magamit o ipambili dahil hindi aniya ito mawawalan ng bisa hanggang hindi pa nauubos sa sirkulasyon. ulat ni Myrrh Guevarra


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *