Bagong renovate na Freedom Park, mas pinaganda dahil sa maniningning na Christmas lights

Damang-dama na ang diwa ng kapaskuhan dito sa Cabanatuan City dahil sa mga makukulay na Christmas lights sa bagong gawang Freedom Park na matatagpuan sa Burgos Avenue.

Ilang hakbang lang pagkatapos na mag-selfie, groufie at kumuha ng instagrammable pictures sa mga palamuti at pailaw ng Old Capitol building ay pwede ka na rin magpa-picture sa nagliliwanag na Freedom Park.

Ilan sa mga naabutan naming nagpapakuha ng litrato ang magkakaibigan na sina Christine, Grace, Vanessa at Angeline na talagang humanga sa mga malaking ipinagbago ng naturang parke.

Nahuli naman ng aming camera ang batang si Luis na tuwang-tuwang nagpapa-picture sa kanyang mommy sa ilalim ng makukulay na Christmas lights.

Bukod sa mga pailaw ay mayroon ding mga food stalls at mga vendors sa paligid ng parke at Old Capitol building para sa mga gustong kumain at mamili ng pasalubong habang namamasyal.

Inimbitahan naman ni Vanessa ang mga Novo Ecijano na hindi pa nabibisita at nakikita ang bagong gawang parke na swak na swak sa mga gustong mag-relax, mag-unwind at ilibot ang kanilang pamilya, kaibigan o kasintahan ngayong nalalapit na kapaskuhan. –Ulat ni Jessa Dizon

Watch – Bagong renovate na Freedom Park, mas pinaganda dahil sa maniningning na Christmas lights


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *