Bags of dreams project ng HERDS-NGO, tumutulong sa mga estudyanteng kapos sa baon

Tumutulong sa mga kabataang kapos sa pag-aaral ang Bags of dreams project ng isang non-government organization sa pamamagitan ng libreng pagtuturo ng pananahi at pagbebenta ng mga bags kapalit ng kanilang pambaon sa eskwela

Dalawa lamang sina Rhea Mae Gonzales at Geraldine Alcazar sa mga estudyante mula sa Barangay Cabu na naabutan naming nag aaral manahi sa loob ng compound ng LFCI.-KPP Inc. Sa Barangay Cabu, Cabanatuan City.

Kwento ng dalawa, sinubukan lamang nila ang magpunta sa compound dahil kakatapos lang ng kanilang klase at hindi nila akalain na mawiwili at matuto kaagad silang manahi hindi lamang ng bags kundi maging ng mga pot holders, kurtina at mga basahan.

Makatulong naman sa pamilya ang pangunahing dahilan ni Marcaila Reyes kung bakit niya pinasok ang pananahi para hindi na raw problemahin ng kaniyang mga magulang ang kanilang baon sa araw araw.

Ayon kay Filipina Magtalas, Founding Chairman at Vice President ng HERDS-NGO, ang programang ‘Bags of dreams’ ay hindi lang nakasentro sa mga ina o kababaihan na gustong matuto manahi kundi sa mga kabataan rin partikular na sa mga Out of School Youth.

Dagdag pa nito ang naturang proyekto ay aagapay sa kanila mula sa libreng training upang magkaroon ng sapat na kaalaman maging sa mga kagamitan o raw materials para hindi na aniya problemahin ang puhunan sa pananahi.

Libreng ibinibigay sa mga nagti-training at nakatatanggap pa ang mga ito ng 25 pesos na allowance pandagdag sa kanilang baon.

Hinihikayat naman ng mga bumubuo ng proyekto ang mga mamimili na tangkilin ang sariling atin, dekalidad at artistic bags ang mga ito na pwedeng gamiting souvenirs at give aways sa kahit anumang okasyon .

Ang ‘Bags of dreams’ ay hango sa HERDS o Helen’s Rags of Dreams Inc. Na nagsimula noong 2017.

Bukas naman ito para sa lahat ng Novo Ecijanong gustong matuto ng free training sa pananahi.-Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *