Bahay ng mag-ama sa Bongabon, dinemolished

Inabutan ni Mang Cornelio Biag na nakalabas na kanilang mga gamit at binabagbag na ang  pader ng  tahanan nilang mag-ama nitong Lunes September 30 bandang 11:30 ng umaga.

Ayon kay Police Major Jaime P. Ferrer, OIC ng Bongabon PNP na ang pagbagbag sa bahay ng mag-ama  ay alinsunod sa Writ of Demolition na may petsang September 20, 2019 na pirmado ni Presiding Judge Cheryl Gamalinda- Encinares ng Bongabon Municipal Trial Court.

Sa aming panayam kay  Mang Cornelio, ikinuwento nito na taong 1985 pa ay sya na ang namamahala at nagsasaka sa mahigit 1 ektaryang lupain sa Barangay Curva, Bongabon, Nueva Ecija.

Kaya laking gulat na lamang nya nang taong 2012 ay sinampahan siya ng kaso sa Municipal Trial Court ng Bongabon kung saan pinaaalis siya sa  nasabing lupain dahil igawad kay  Artur Galang ang titulo ng lupa  sa ilalim ng  Transfer of Certificate of Title No. NT-319791. 

Lumakad ang kaso sa loob ng 7 taon at noong January 16, 2019 ay naglabas na ng pinal na desisyon ang Municipal Trial Court ng Bongabon  at binigyan na lamang ng 15 araw ang pamilya Biag upang umalis ng kusa sa lupang pagmamay-ari ni Artur Galang.

Hindi man pinigilan ni Mang Cornelio ang demolition team ay patuloy pa rin aniyang lalaban ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng kanilang apela na nakahain  sa Department of Agrarian Reform Adjudication Board.  – Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *