Bahay ng Maglive-in, Pinasok; Php 160, 000.00 na Cash at mga Ari-arian, Natangay; Tricycle Driver, Patay sa Riding-in-Tandem

Gapan City- Mula sa masayang bakasyon sa Baler, Aurora, kalungkutan ang sumalubong sa maglive-in sa kanilang pag-uwi nang matuklasan na pinasok ng mga magnanakaw ang kanilang bahay sa Sitio Laryuhan, barangay Kapalangan, Gapan City.

Kinilala ang mga biktimang sina Henry Mactal at Richelle Gregorio ng naturang lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas nueve ng umaga, lilinisin na sana ng ina ni Richelle ang tahanan ng dalawa ng madiskubre nito na nakabukas na ang main door, nawawala ang flat screen television na nasa salas, at wasak ang steel grills ng bintana sa likuran.

Pagdating ng maglive-in partner, napag-alaman na tinangay din ng mga hindi nakilalang kawatan ang kanilang mga alahas, laptop, Wi-Fi router, isang home theater DVD, at cash na pera na nagkakahalaga ng Php 160, 000.00.

Peñaranda- Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa kahabaan ng P. Padilla St. sa barangay Sto. Tomas bayan ng Penaranda.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas dosesingko ng madaling araw, habang binabagtas ng biktima ang highway sakay ng minamanehong tricycle ng buntutan at ratratin ng tandem.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa natutukoy nab aril sa likuran at ulo ang biktima na naging sanhi ng kanyang agad na kamatayan.- Ulat ni Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *