Bahay ng Piskal, Pinaputukan; Bangkay ng Lalaki, Itinapon

Cabanatuan City- Binulabog kamakailan ng sunud-sunod na putok ng baril ang tahanan ng isang piskal sa barangay Kapitan Pepe, lungsod ng Cabanatuan.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas kwatro kwarenta ng madaling araw nang paputukan ng hindi nakilalang suspek ang harap ng bahay ni Fiscal Edison Rafanan sa Dona Amada Avenue ng naturang lugar.

Narekober ng SOCO sa pinangyarihan ng insidente ang pitong basyo ng bala ng caliber 9mm at tatlong basyo ng bala ng hindi pa natutukoy na baril.

Guimba- Nakadapa sa daan patungong irigasyon nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa barangay San Miguel, bayan ng Guimba.

Batay sa report ng Guimba Police Station, dakong alas syete singkwenta ng umaga nang makatanggap ng isang tawag mula kay kapitan Gil Gamis ang istasyon at ipinagbigay-alam na may nakitang bangkay ng isang lalaki sa kanilang barangay.

Walang pang-itaas na saplot, nakagapos, may busal sa bibig, nakabalot ng damit at masking tape ang mukha ng biktimang pinaniniwalaang itinapon sa nasabing lugar matapos na patayin ng mga hindi nakilalang salarin.- Ulat ni Clariza de Guzman

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *