Bahay Pag-asa Reformation Center, binuksan na sa Santa Rosa, Nueva Ecija

   Opisyal ng binuksan ang Bahay Pag-asa Reformation Center para sa kasalukuyang 649 na bilang ng mga boluntaryong sumuko na drug personalities sa bayan ng Santa Rosa, Nueva Ecija.

     Pinangunahan ni Mayor Marita Angeles ang pag ri-ribbon cutting kasama si Vice Mayor  Boyet Angeles, TESDA-Provincial Director Melanie Romero at PNP Chief Jeffrey Alivia.

     Ayon kay PS/Insp Jeffrey Alivia, mahigit isang buwan ang gagawing rehabilitasyon sa mga surenderee kasabay ng pagtuturo ng mga social workers, psychology doctors, libreng pag-aaral mula sa TESDA at iba pang sangay ng pamahalaan upang  tuluyan nang talikuran ng mga drug personalities ang masamang bisyo.

    Dagdag pa ni Alivia, sa dami ng mga bilang ng sumuko ay hindi kakayanin nai-accommodate ng sabay-sabay ang mga surenderees. Kaya’t hahati-hatin nila ito hanggang matapos ang Reformation Program.

    Sa tulong ng Technical Education and Skills Development Authority(TESDA), ay maari silang mamili sa napakaraming kurso na libreng ino-offer ng ahensiya. Kagaya na lamang ng automotive servicing, refrigeration and airconditioning services na karaniwang pinipili ng mga kalalakihan at beauty care/cosmetology at massage therapy na pwedeng pagpilian ng mga kababaihan.

TESDA TRAINING COURSES

  • Body Massage leading to Beauty Care NC II
  • Beauty Care NC II
  • Bartending NC II
  • Baking/Pastry Production NC II
  • Automotive Servicing NC I and NC II
  • Animation NC II and NC III
  • Animal Production NC II
  • Bookkeeping NC III
  • Caregiving NC II
  • Carpentry NC II
  • Commercial Cooking NC II
  • Contact Center Services NC II
  • Cookery NC II
  • Dressmaking NC II
  • Driving NC II
  • Electrical Installation & Maintenance NC II
  • Electrical Installation & Maintenance NC II – Mobile Training Program
  • Facial Treatment leading to Beauty Care NC II
  • Food Processing NC II
  • Foot Spa leading to Beauty Care NC II
  • Front Office Services NC II
  • Gas Metal Arc Welding (GMAW) NC II
  • Gas Tungsten Arc Welding (GTAW) NC II
  • Hand Spa leading to Beauty Care NC II
  • Health Care Services NC II
  • Hilot (Wellness Massage) NC II and Hilot (Wellness Massage) NC II – Mobile Training Program
  • Household Services NC II
  • Housekeeping NC II and NC III
  • Masonry NC II
  • Massage Therapy NC II
  • Medical Transcription NC II
  • Programming NC IV
  • Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC I, NC II and Mobile Training Program

   Sa pahayag ni TESDA Provincial Director Melanie Romero, nasa 12 point agenda nila ngayon ang pagtulong sa mga surenderees upang mabigyan ng bagong buhay at pagasa ang mga sumukong drug personalities.

   Aniya, sasalain din nila kung sino ang mga unang mabibigyan ng scholarship program ng Tesda.

   Kasunod ng San Jose City, ito na ang ikalawang Bahay Pag-asa Reformation Center sa Municipal Level na binuksan sa Nueva Ecija. Inaasahan naman na sunod-sunod na din ang pagtatayo ng Bahay Pag-asa sa iba pang mga lugar sa probinsiya. -Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *