BAKBAKAN NG TOP 6 SA QUARTER FINALS NG NECSL SEASON 4, NAGSIMULA NA! DEFENDING CHAMPION NG MEN’S BASKETBALL, TINALO NG ELJ HAWKS

ELJMC HAWKS, TINALO ANG WESLEYAN RIDERS SA SCORE NA 66-63
ELJMC HAWKS, TINALO ANG WESLEYAN RIDERS SA SCORE NA 66-63

Kakaibang depensa, opensa at teamwork ang ipinakita ng ELJ Hawks nang makatapat sa pangalawang pagkakataon ang Wesleyan Riders.

Sa harap ng mga manonood, tinalo ng ELJ Hawks ang Wesleyan Riders sa iskor na 66-63.

Pinangunahan ni Mactal ang Hawks sa bisa ng kanyang 15 puntos.

Nagpakitang gilas din sina Gomez Jersey #8 at Sarmiento Jersey # 7 na nagtala ng 14 at 10 puntos.

Sinubukan ng Wesleyan ang maungusan ang Hawks sa 4th quarter ngunit bigo ang nasabing koponan.

Ayon sa coach NG Hawks na si Roland Morta, malaking karangalan naman para sa kanila na matalo ang defending champion sa Men’s basketball sa kauna-unahang pagkakataon.

Aminado naman ang coach ng Wesleyan na si German Calderon na nagpabaya ang kanilang grupo. Para sa kanila, nagbigay ng matinding aral ang kanilang pagkatalo.

MIDWAY MARSHALLS, WAGI SA CLSU GREEN COBRAS VIA OVERTIME; 93-89
MIDWAY MARSHALLS, WAGI SA CLSU GREEN COBRAS VIA OVERTIME; 93-89

Wagi naman via overtime ang Midway Marshalls kontra sa CLSU Green Cobras sa score na 93-89.

Nag-ambag ng malaking puntos sina Julian at Oxiano na nagdagdag sa Marshalls ng 26 at 18 puntos at nagbigay ng pag-asang manalo sa Green Cobras.

Hinabol ng Green Cobras ang kalamangan ng Marshalls sa nalalabing 2 minuto ng 4th quarter dahilan ng pagkatabla sa score na 79.

CIC KINGS, PINATAOB ANG MVGFC AMBASSADORS; 88-80
CIC KINGS, PINATAOB ANG MVGFC AMBASSADORS; 88-80

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga manlalaro ng Kings sa pangunguna ng kanilang captain ball na si Edji Jejillos, pinataob ng CIC Kings ang MVGFC Ambassadors sa iskor na 88-80.

Hindi pinabayaan ni Jejillos ang koponan ng Kings na matalong muli ng Ambassadors.

19 puntos ang pinakamalaking lamang ng Kings sa 3rd quarter ng laban.

Samantala,  napagtagumpayan ng Wesleyan Riders, CRT Blue Fox at CIC Kings kontra sa Good Samaritan Crusaders, La Fortuna Spartans, at GJC Generals ng Women’s Volleyball  ang unang araw ng paghaharap sa Quarter Finals.

Sa mga nais manood ng mga laban ng nasabing koponan, maaaring bumisita sa official fan page ni Dobol P-PhilipPiccio o bisitahin ang www.dobol p.com.- Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *