BANDANG SIAKOL, DINAGSA NG MGA KABATAAN SA BAYAN NG PEÑARANDA

 

Dinagsa ng mga kabataan ng bayan ng Peñaranda ang concert ng bandang Siakol na ginanap sa plaza ng nasabing bayan bilang bahagi ng ika -164 taong pagdiriwang ng pistang bayan.

Budang saya ang naramdaman ng mga kabataan sa bayan ng Peñaranda nang masilayan ang apat na miyembro ng bandang Siakol at nang magsimulang kumanta sa pangunguna ng lead vocalist na si Noel Palomo.

Walang mapagsidlan ng kasiyahan  ang mga dumalo, mapabata man o matanda, may ngipin man o wala, sa mga awiting tumatak sa puso ng bawat tao.

Patok na patok pa rin sa mga kabataan ang ilan sa mga awiting pinasikat ng nasabing banda gaya ng Bakit ba?, Gabay, Kanto, Biyaheng Impyerno at marami pang iba.

Maging ang punong bayan na si Mayor Blue Boy Abesamis ay nakikanta rin at napaindak sa entablado kasama ang mga konsehal ng bayan at kapitan ng Barangay 4 na si Joey Ramos.

Nagpasalamat naman ang ilan sa mga kabataan na natuwa sa masayang konsyerto ng Siakol handog ni Mayor Abesamis at ng kanyang mga kasama.

Ang Bandang Siakol ay nabuo noong 1994 na may apat na grupo na binubuo nina Noel Palomo-lead vocalist, Wowie Flores- the bass, Anthony Cervantes-the guitar, at James Rodriguez- the drummer.

Halos dalawampung taon nang magkakasama ang nasabing banda at masasabing patuloy pa ring minamahal ng mga tao ang kanilang musika.- Ulat ni Shane Tolentino

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *