“Bangan ng Nueva Ecija”, itatayo ng Wesleyan University-Philippines

Isang gusali na tatawaging Center for Nueva Ecija Studies o “Bangan ng Nueva Ecija” ang binubuo ngayon ng Wesleyan University-Philippines (WU-P) upang ipreserba ang mayamang kasaysayan at kultura ng lalawigan.

Kaugnay nito ay nagsagawa ang unibersidad nang Cultural Mapping at Sineliksik Project Lecture Forum noong February 20.

Ayon kay Judge Benjamin Turgano, Presidente ng WU-P, ang salitang ”bangan” ay nangangahulugan sa isang lalagyan na pinepreserba ang mga ani noong unang panahon.

Ito aniya ang magsisilbing “bangan” nang makulay na kasaysayan, tradisyon at kultura ng mga Novo Ecijano.

Inimbitahan ng unibersidad ang isa sa pinakamahusay pagdating sa pangangalaga sa kultura at kalikasan na si Dr. Eric Zerrudo ang Direktor ng graduate school ng University of Sto. Tomas (UST).

Tinuruan ni Dr. Zerrudo ang mga partisipante na mag-cultural mapping na isa sa akma at epektibong paraan upang tukuyin ang mga mahahalagang pangyayari sa lalawigan.

Sa tulong ng mga estudyante, propesor at lokal na pamahalaan ay magsasagawa ng mga pag-aaral at pananaliksik upang makolekta ang mga mahahalagang impormasyon, tao o kagamitan na humuhubog sa istorya ng Nueva Ecija.

Nagpakita naman ng buong suporta ang Provincial Tourism Officer sa proyekto, aniya, malaking bagay ito upang maipakilala sa  mga kabataang Novo Ecijano at maging sa buong mundo ang galing, ganda at husay ng probinsiya.

Ito ay dinaluhan ng mga Tourism Officer sa iba’t-ibang bayan at lungsod ng lalawigan, mga guro at mga estudyante.

Kapag nakolekta na ang mga kinakailangang impormasyon ay sisimulan ng itayo ang nasabing center. –Ulat ni Danira Gabriel

Watch- “Bangan ng Nueva Ecija”, itatayo ng Wesleyan University Philippines


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *