Bangkay ng lalaki, natagpuan; Pinaniniwalaang biktima ng summary execution; Tricycle driver, pinagbabaril ng tandem

   Natagpuang nakahandusay sa gilid ng kalsada ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang biktima ng summary execution sa F. Santos St., Villa Benita Subdivision sa barangay H. Concepcion, Cabanatuan City.

Ang bangkay ni Rodante Abellanada na itinapon sa madamong gilid ng kalsada sa Villa Bentita Subd., Cabanatuan City.
Ang bangkay ni Rodante Abellanada na itinapon sa madamong gilid ng kalsada sa Villa Bentita Subd., Cabanatuan City.

   Positibong kinilala ng kanyang live-in partner na si Mary Jane Dumansan y Santiago ang biktimang si Rodante Abellaneda y Liwag, 31-anyos, tubong Taal, Bocaue, Bulacan, at naninirahan sa Sports Center, barangay Aduas Sur, Cabanatuan.

   Base sa report ng pulisya, 8:00 ng umaga nang madiskubre ang biktimang nakabalot ng damit ang ulo nito at may nakapatong na cardboard sa dibdib na may nakasulat na mga katagang “sa mga kagaya kong magnanakaw at adik ituloy-tuloy nyo lang ng magaya kayo sa akin”.

   Narekober ng SOCO mula sa wallet ng biktima ang tatlong piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

   Gapan City- patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa kahabaan ng Kalsada Drive sa barangay San Nicolas.

   Nakaupo sa kanyang tricycle si Roderick Alfonso sa San Nicolas, Gapan City nang itumba ng tandem.
Nakaupo sa kanyang tricycle si Roderick Alfonso sa San Nicolas, Gapan City nang itumba ng tandem.

   Kinilala ang biktimang si Roderick Alfonso y Matias alyas Derek, 37, may asawa, at residente ng naturang lugar.

   Ayon sa imbestigasyon ng Gapan Police Station, 9:55 ng umaga nakaupo sa kanyang tricycle ang biktima nang dumating ang isang motorsiklo sakay ang dalawang suspek na nakatakip ang mga mukha.

   Bumaba ang back rider ng motor at pinaputukan ng maraming beses ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan pagkatapos ay mabilis na tumakas.

   Itinakbo sa Good Samaritan General Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. Tumanggi naman ang pamilya ng biktima na isailalim ang bangkay nito sa autopsy examination.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *