Bangkay ng Lalaki, Natagpuan sa Ilalim ng Tulay; Lasing na Kelot Nanaga, Kulong

Natagpuan ng tatlong binatilyo ang bangkay ng isang lalaki sa ilalim ng tulay sa barangay San Felipe, lungsod ng San Jose.

Ayon sa salaysay ni Jeric, papauwi na sila ng dalawang kaibigan galing sa pag-jojogging nang makaramdam siya ng pagsakit ng kanyang tiyan.

Nagpunta umano sila sa ilalim ng tulay para doon magbawas ngunit nagulat na lamang sila nang madiskubre ang patay na lalaki na nakagapos at nakabalot ng itim na plastic bag at masking tape ang mukha.

San Jose City- Kulong ang isang lasing na lalaki matapos nitong mag-amok at managa sa barangay Abar First, San Jose City.

Kinilala ang biktimang si Jerry Reyes, trenta’y syete anyos habang ang suspek naman ay si Angelito Perez y Roque, singkwenta’y dos anyos, kapwa residente ng naturang lugar.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas dose disi nueve ng madaling araw nang magwala ang suspek na sinubukang awatin ng biktima at isang kasamahan.

Nanlaban umano ang suspek at tinaga ang biktima gamit ang isang itak na nagtamo ng sugat sa kanyang kaliwang braso.- Ulat ni Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *