Bangkay ng Lalaking Pinaniniwalang may Sakit sa Pag-iisip, Natagpuan sa Kalsada; Real State Agent Pinagbabaril, Patay

Dead man found along Aliag-Quezon Road in brgy. Sto. Rosario, Aliaga.
Dead man found along Aliag-Quezon Road in brgy. Sto. Rosario, Aliaga.

Natagpuang nakahandusay sa sementadong kalsada ang isang lalaking pinaniniwalaang may sakit sa pag-iisip sa barangay Sto. Rosario, bayan ng Aliaga.

Tinatayang nasa edad 55-60 ang lalaking hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay hindi pa nakikilala.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, bandang 5:30 ng madaling araw ng mapansin ni Rayland Vizconde ang lalaki na nakaupo sa shoulder ng Aliaga-Quezon road at bigla na lamang nitong hinubad ang kanyang jacket at short pants.

Nangisay umano ang lalaki na tila nawawalan ng hininga at gumulong-gulong sa kalsada at tsaka binawian ng buhay.

Pansamantalang inilagak sa Eternal Funeral Parlor ang labi ng lalaki at naka-flash alarm para sa kanyang posibleng pagkakakilanlan.

2Sta. Rosa- Patay ang isang real state agent makaraang pagbabarilin sa barangay Rajal Centro, bayan ng Sta. Rosa.

Kinilala ang biktimang si Maribel Dalida y dela Cruz, 59-anyos, may asawa, reisdente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat, dakong 4:00 ng hapon habang naglalakad ang biktima sa kalsada papunta sa tindahan para magpabarya ng php 1, 000.00 bill ng lapitan ng suspek mula sa kanyang likuran sakay ng isang motorsiklo at binaril ang biktima ng dalawang beses sa kanyang dibdib.

Mabilis na tumakas ang suspek patungo sa crossing ng Sta. Rosa samantala isinugod naman sa ospital ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Narekober ng SOCO sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng kalibre .45 baril.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *