Bangkay ng Magsasaka, Natagpuan sa Sapa; 33-anyos na Kelot, Niratrat Habang Bumibili, Patay

1Natagpuan sa sapa ang bangkay ng isang magsasaka kasama ng isang motorsiklo sa barangay Bertese, bayan ng Quezon.

Kinilala ang biktimang si Benjie Evangelio y Santiago, trenta’y nueve anyos, may asawa, residente ng barangay San Miguel, ng naturang bayan.

Base sa ulat ng pulisya, bandang alas sais trenta ng umaga habang nagpapatrolya ang mga pulis nang ipagbigay alam ng isang residente sa Bertese  na may nadiskubreng bangkay at motor sa may sapa.

Natuklasan sa imbestigasyon na ang biktima ay may tama ng bala ng baril sa kanyang likuran.

2Llanera- Patay ang isang trenta’y tres anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman sa barangay General Luna, bayan ng Llanera.

Ang biktimang namatay habang tumatakbo upang tumakas sa pamamaril ay kinilalang si Geraldo Santos y Pastrana, may asawa, ng barangay Murcon, bayang nabanggit.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas dos kwarenta’y singko ng hapon habang bumibili sa OPM General Merchandize ang biktima ng bigla na lamang lapitan at barilin ng tatlong beses ng suspek.

Nagawa pang makatakvo palayo ng biktima ngunit dahil sa mga tinamong sugat ay binawian ito ng buhay.

Narekober ng SOCO sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng kalibre kwarenta’y singkong baril.

Paalala po sa ating mga kaibigan, lagi po tayong maging alerto, at mag-ingat, dahil ang krimen ay nangyayari kahit saan, kahit kalian.- Ulat ni Clariza de Guzman.

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *