Bangkay ng Palaboy, Natagpuan sa Kalsada; Mga Militar at mga diumano’y Miyembro NPA, Nagsagupaan; 3 Sugatan

Kalunus-lunos ang sinapit ng isang lalaking pinaniniwalaang palaboy matapos matagpuang patay sa kalsada sa bayan ng Lupao.
Kalunus-lunos ang sinapit ng isang lalaking pinaniniwalaang palaboy matapos matagpuang patay sa kalsada sa bayan ng Lupao.

Natagpuang nakahandusay sa kalsada ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang palaboy sa kahabaan ng Lupao-Munoz road sa barangay Mapangpang, bayan ng Lupao.

Duguan at may malalang sugat sa ulo ang biktimang tinatayang nasa edad 30-40, at payat ang pangangatawan.

Kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Lupao Police Station upang matukoy ang pagkakakilanlan sa biktima.

Carranglan-  Sugatan ang dalawang sundalo at driver ng backhoe sa naganap na sagupaan ng Philippine Army at mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa Sitio Tapil boundary ng barangay Bunga at R.A Padilla sa bayan ng Carranglan.

Pinagbabaril ng mga diumano’y NPA sa bayan ng Carranglan ang backhoe na pag-aari ng Pacific Asphalt and Concrete Mix Construction Company.
Pinagbabaril ng mga diumano’y NPA sa bayan ng Carranglan ang backhoe na pag-aari ng Pacific Asphalt and Concrete Mix Construction Company.

Kinilala ang mga tinamaang militar na sina Corporal Mark Joseph Mamingcol, at Private First Class Renly Taliongan kapwa miyembro ng 3rd Infantry Batallion, 7th Infantry Division, Charlie Coy.

Habang nagtamo naman ng mga galos si Mario Rozul y Dimaranan, driver ng backhoe na pag-aari ng Pacific Asphalt and Concrete Mix Construction Company.

Base sa imbestigasyon ng otoridad, bandang 8:00 ng umaga, pumapanik sa bundok ang backhoe na minamaneho ni Rozul kasama ang dalawang escort na sundalo nang bigla na lamang pagbabarilin ng mga diumano’y NPA.

Tinamaan ng bala at nahulog sa sasakyan sina Mamingcol at Taliongan ngunit nagawang makapagtago sa steel roller wheel at steel bucket ng backhoe, samantalang ang driver ay gumapang at nagtago sa isang puno ng melina.

Naghagis umano ng gasolina ang mga suspek kaya gumanti ng putok ang dalawang sundalo hanggang sa dumating ang mga rumespondeng pulis.

Nagawang makatakas ng mga diumano’y NPA patungo sa hilagang direksyon. Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang mga nasugatang  militar.- ulat ni Clariza de Guzman.

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *