Barangay Bugnan, Panalo sa Float Competition ng 8th Gulayan Festival

Itinanghal na second place ang barangay Bagting habang third place naman ang float barangay ng Calabasa.

Gamit ang ibat-ibang klase ng gulay , ipinakita ng labing limang barangay, mga departameto at mga pribadong institusyon ang kanilang pagiging malikhain sa paggawa at pagdidisenyo ng kani-kanilang mga Giant Float.

Ayon Kay Alejandro Del Rosario, kapitan ng Barangay Malinao, ang float na kanilang ginawa ay sumisimbolo sa mga magsasaka at bilang pasasalamat na din sa kanilang taun-taon na ani.

Maliban sa Float Parade ay nagkararoon din ng ng Street Dancing Competition na nilahukan ng dalawampung  Public Elementary Schools sa bayan ng Gabaldon.

Suot ang kanilang makukulay na costumes na pinalamutian ng samut-saring mga gulay, ipinamalas ng ng grupo ang kanilang galing sa pagsayaw at pagpupugay sa Gulayan Festival.

Sa panayam namin kay Gabaldon Vice Mayor Jobby Emata, sinabi nito na ang taunang pagdiriwang ng Gulayan Festival ay bahagi ng selebrasyon ng kapistahan ni San Pablo Apostol na kanilang pinaghahandaan upang maghatid ng kasiyahan sa mga taga-Gabaldon at mamamayang dumarayo sa kanilang bayan.

Sa mensahe naman ni Doc Anthony Umali at Bokal Macoy Matias,  ipinaabot nila ang kanilang mainit na pagbati at suporta sa mga taga Gabaldon.

Samantala, Pinaranglan din ang mga nanalo sa Street Dance Competion kung saan nasungkit ng Brgy. Malinao ang unang puwesto, pangalawa ang Brgy. Bagting habang pumangatlo naman ang Brgy. Ligaya. –Ulat ni Jessa Dizon


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *