Barangay Tanod sa San Leonardo pinagbabaril, patay; Binata, isang linggo nang nawawala

Pinagbabaril hanggang sa mamatay ang isang barangay tanod ng Tabuating, bayan ng San Leonardo.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo, tigalawa sa dibdib at braso ang biktimang si Rodrigo Cruz y Pilarez, singkwenta’y kwatro anyos, binata, tubong Ayala Heights, Quezon City.

Bulagta ang barangay tanod ng Tabuating, San Leonardo matapos pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang suspek.

Base sa initial report ng San Leonardo Police Station, bandang ala una bente ng madaling araw noong June 17, 2019, naglalakad ang biktima sa kalsada kasama ang kaibigan nitong si Saint Anthony Redrico nang may humintong itim na Toyota Vios na walang plate number sa kanilang likuran.

Bumaba umano sa kotse ang dalawang sakay nito na nakasuot nang bonnet at parehong may dalang mga armas tsaka niratrat si Cruz.

Pagbulagta ng biktima ay kaagad na bumalik sa sasakyan ang mga suspek at sumibat patungong Gapan City.

Narekober ng SOCO ang apat na basyo ng bala ng kalibre kwarenta’y singkong baril at isang basyo para sa Caliber 5.56.

Sa ating serbisyo publiko, isang linggo nang nawawala si Kenneth Nagas y Paz, 23 years old, binata, empleyado ng Quest Link Company sa Quezon City at residente ng Poblacion, bayan ng San Antonio.

Huling nakontak umano ng kanyang kapatid si Kenneth noon pang June 11, 2019.

Sa sinumang makakakita at makakaalam ng kinaroroonan nito ay magtext o tumawag sa 09263588139 at hanapin si Cristal Nagas.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *