Bayad ng NIA sa Right of Way, Hindi Masingil ng mga Magsasaka sa Bayan ng Guimba

Nakahanda umano ang NIA o National Irrigation Administration na bayaran ang mga may-ari ng lupa o bukiring nasagasaan ng Phase I and II ng NIA Casecnan Project sa bayan ng Guimba.

Ngunit ang problema kulang sa dokumento ang mga magsasaka sa Guimba na magpapatunay ng pagmamay-ari nila sa mga lupang nadaanan ng irigasyon, tulad ng orihinal na titulo.

Ayon kay Kapitan Carlito Castro ng barangay Yuzon, tagapangulo ng Pagkakaisa sa Patubig ng Hilaga at Kanlurang Guimba, anim na taon ng tapos ang Phase I ng NIA Casecnan Project pero limang porsyento lang daw ng mga magsasaka ang nabayaran sa right of way.May natitira pang 95% na mga magsasakang hindi nababayaran

Pangamba ng mga magsasaka baka hindi na sila makasingil dahil hindi kumpleto ang kanilang mga papeles na hinahanap ng NIA para maging rightful claimant.

Base sa Pagkakaisa sa Patubig, 27 barangay sa Guimba ang masasagasaan ng Phase II ng Casecnan Project na kasalukuyang ginagawa.

Paliwanag ni NIA Casecnan Project Manager Engineer Alexander Coloma, nakapangalan pa rin sa Landbank of the Philippines ang karamihan sa mga lupaing nadaanan ng irigasyon. Kaya sa ilalim ng batas ay Landbank ang kinikilalang may karapatang kumuha ng bayad sa right of way.

Panawagan ng mga magsasaka sa kinauukulan, bawasan sana ang mga dokumentong hinihingi ng NIA upang mapakinabangan ang bayad sa nasagasaang lupain ng irigasyon. -Ulat ni Clariza De Guzman

[youtube=http://youtu.be/kIoo04ncMGA]

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *