BAYAN NG GENERAL MAMERTO NATIVIDAD, PUSPUSAN NA ANG PAGHAHANDA PARA SA PAGDIRIWANG NG KANILANG 58TH FOUNDING ANNIVERSARY

Puspusan na ang preparasyon ng bayan ng General Mamerto Natividad para sa nalalapit na selebrasyon ng kanilang 58th Founding Anniversary na may temang “Pamilyang Marangal, Dangal at Yaman Ng Pamayanan”.

Dalawang araw bago ang kapistahan sa Bayan ng General Natividad ay sinimulan na ng Lokal na Pamahalaan ng naturang bayan ang preparasyon sa pamamagitan ng paglilinis at pagdadamo sa kapaligiran, pagkakabit ng ilang mga posters at pagsasaayos ng mga banderitas.

Kapansin-pansin na rin ang mga baratilyo na nakahilera sa gilid ng kalsada at may ilan-ilan na ring namimili.

Ang kanilang Founding Anniversary ay may tatlong araw na selebrasyon na magsisimula sa Sabado, June 20 hanggang Lunes, June 22.

Ayon kay Municipal Executive Assistant Benjamin S. Manuel Jr., taong 1957 ng buwan ng Hunyo a bente dos ng ideklara bilang isang bayan ang kanilang lupain na dating bahagi ng Lungsod ng Cabanatuan, na ipinangalan sa isang bayaning heneral na si General Mamerto Natividad.

Dagdag pa niya, kada taon ng kanilang selebrasyon bilang pagbibigay pugay sa kabayanihan ni General Mamerto Natividad ay iba-iba rin ang kanilang nagiging tema.

Ngayong taon ay patungkol at may kaugnayan sa pamilyang nagkakaisa ang kanilang tema na nagsisilbing ehemplo para sa ikauunlad ng kanilang bayan.

Samantala, narito naman ang mga aktibidad na aabangan sa pagseselebra ng anibersaryo ng bayan.

June 20

Fun Run 5:00 am-7:00 am

Fun Games/ Family Games 8:00am-12:00pm

Battle of the Bands 6:00pm onwards

June 21

LGU Thanksgiving (Mass Offering) 8:30am

Fiesta Services 8:00am-4:00 pm

“Look-a-like” 6:00 pm onwards

June 22

Awarding of Plaque to elected officials 8:00am-12:00pm

Medical Mission

Fireworks at Musical Jamboree 7:00pm onwards

[youtube=http://youtu.be/C_fhY-agsIc]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *