Bayan ng LLanera, nagdiriwang ng kanilang 63rd Founding Anniversary

Humigit kumulang tatlong raang bisita ang dumalo sa pagdiriwang  ng 63rd founding anniversary ng Bayan ng Llanera kabilang ang mga naimbitahang ahensya at aplikante sa Trabaho, Negosyo,  kabuhayan o Jobs and Business Fair 2018,   na ginanap sa Pag-asa Gym, LLanera, Nueva Ecija.

Dumating din si Senator Cynthia Villar na s’yang panauhing tagapagsalita.

Sa aming panayam kay Giovannie Tomas, PESO Manager ng LLanera at isa sa mga oranizers ng naturang event,napakahalaga ng pagdiriwang  na ito dahil aniya ito ay paggunita sa  araw ng pagkakatatag ng bayan ng Llanera at pagdiriwang ng Banuar A Mannalon Festival o mga bayaning magsasaka bilang pagpapahalaga sa kanilang mga naiambag.

Ibinahagi din nito ang kanilang naging paghahanda sa pagdiriwang.           

Kaugnay nito, kabilang sa  mga naimbitahan ay ang mga  exhibitors na nag angkat ng kanilang locally made products  ang Magic Sylvia food products at  7 seeds food products, Ric Campos at Merika Herbal Products na parehong may  produktong herbal na gawa sa luya, Makoy’s Buro, Thomas Home Made Wine and Spirits , Antonia’s Handicraft, Colwil Leather products, Ollie’s Footwear, Altrix meat processed and food products, Ric Burgos, Lawag Ti Caridad Norte Association and Sweet Heaven Food Products – na may iba’t ibang goodies o delicacies na gaya ng banana chips and banana cakes, macapuno at mga kakanin na gawa sa kamoteng kahoy.

Samantala ang iba pang bahagi ng kanilang anim na araw ng selebrasyon  ay ang mga sumusunod na aktibidades:

Trainings para sa mga magsasaka, Awarding of livelihoods to farmers, pagsasanay sa livestock and crop production, Motocross, Bicycle Race, Ginoo at Binibining LLanera 2018 at marami pang iba-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *