Bb. Nueva Ecija 2016 3rd runner-up, pambato ng Nueva Ecija sa Miss Millenial Philippines 2018

Opisyal nang ipinakilala ng Noon Time Variety Show na Eat Bulaga noong Sabado, August 25 ang 40 kandidata na maglalaban-laban upang i-promote ang kani-kanilang probinsiya o siyudad sa social media.

Ang mga kandidata ay napili base sa kanilang mga napanalunang titulo sa kani-kanilang lugar.

Araw-araw ay makakatanggap ng challenge ang mga Millenial Queens na i-popost nila sa kanilang mga facebook page.

Isa na nga rito si Maria Gienel Caling, residente ng Barangay Matindeg, Cuyapo na siyang magiging pambato ng Nueva Ecija sa nasabing kompetisyon.

Si Caling ay kasalukuyang 3rd year Accountancy student mula sa Wesleyan University-Philippines.

Nanalo bilang 3rd runner-up sa Binibining Nueva Ecija 2016, Binibining Cuyapo 2016, Miss NE Emporia 2017, Miss National Federation of Junior Philippine Institute of Accountants 2017 2nd runner-up, naging Grand Finalists ng Gandang Filipina 2017 at Miss Wesleyan 2018 1st runner-up.

Sasabak sa kompetisyon ang Novo Ecijana Beauty sa darating na Setyembre, kaya naman hinihingi nito ang bawat suporta ng mga kapwa Novo Ecijano.

Ang Miss Millenial Philippines ay pangalawang taon ng isinasagawa ng Eat Bulaga kung saan sa unang taon ay napagwagian ni Miss Millenial Camarines Sur Julia Gonowon ang titulo.- Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *