Benta ng mga tindera sa palengke ng Cabanatuan, matumal!

   Maghapong nakaupo sa kaniyang pwesto sa palengke ng Cabanatuan ang tindera na tumangging magpakilala sa harap ng aming camera, itago na lang daw natin siya sa pangalang aling “Ana”. Reklamo niya sa aming News Team, matumal at halos walang kita ang katulad niyang nagtitinda ng mga damit at sapatos sa loob ng palengke. Ang itinuturo niyang dahilan ang nakatayong baratilyo sa harap mismo ng pamilihang lungsod.

   Dagdag pa niya, malaki ang ipinagiba ng kanilang kita ngayon kaysa noong nakaraang taon na walang nakapwestong baratilyo.

   Ganito din ang hinaing ni “Aling Imelda”, hindi niya tunay na pangalan. Aniya, kung noong nakaraang taon ay kumikita siya ng mahigit isang libo kada araw, ngayon ay tila sahod sa ulan ang kanilang benta.

   Kaya’t hiling nila sa mga kinauukulan.

   Matatandaan na naaprubahan ang baratilyo sa botong 9/1 ng Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan. Kung saan, siyam na Konsehales ang pumabor sa pagpapatayo ng baratilyo na sina Kon. Emmanuel Liwag, Kon. Ruben Ilagan, Kon. Mario Seeping, Kon. EJ Joson, Kon. PB Garcia, Kon. Froilan Valino, Kon. Epifanio Posada, Kon. Rosendo Del Rosario Jr at ABC President Sergio Tadeo.

   Habang nag-i-isang nanindigan si Kon. Nero Mercado na kumontra sa baratilyo at kasama niyang tumutol dito si Vice Mayor Anthony Umali.

   Bukod sa paghina ng kita ng mga tindera sa loob ng palengke, kapansin-pansin din ang dobleng paghigpit ng daloy ng trapiko sa paligid ng Pamilihang Lungsod mula nang itinayo ang baratilyo. -Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *