BICYCLE, MABENTA SA MGA NOVO ECIJANO PARTIKULAR SA MGA MAHIHILIG SA ADVENTURE

Exercise is the best way to feel good and to have a healthy body. Yan ngayon ang mga katagang binibigkas ng marami nating mga kababayang mahihilig sa sports at physical activities tulad ng pagbibisikleta.

Dito sa lalawigan ng Nueva Ecija partikular sa bayan ng Guimba, hindi pahuhuli ang mga Novo Ecijano sa pagiging adventurous at sporty.

Patunay dyan ang mabebentang sports gears, safety gears at mga sports items sa tindahang ito, ang LGC Bike Express.

Ayon sa may-ari ng LGC na si Jessica Rose Lo, halos lahat ng kailangan o hinahanap ng mga mahihilig sa sports partikular sa mga bikers ay narito na at talaga namang magaganda at matataas ang kalidad.

Kilala rin ang LGC bilang authorized dealer ng ilang mga branded sports item shops tulad ng fuji, giant, merida, at haro.

Taong 1982 nang unang maisipan ng pamilya ni Lo na magtayo ng ganitong klase ng negosyo dala na rin ng pagiging mahilig sa sports lalo na sa mga bisikleta.

Dito na nagsimulang lumago ang kanilang tindahan na kasalukuyan ay mayroon nang tatlong branch na matatagpuan sa Nueva Ecija at Tarlac.

Kung nais nga raw maging malusog at gumanda ang pangangatawan, subukan na ang pagbibisikleta na may mabuting dulot sa iyo at sa ating kapaligiran dahil wala itong usok na ibinubuga di tulad ng mga motor o anumang sasakyan.

Aminado rin si Lo na magandang klase ng negosyo ang pagbebenta ng mga sports items tulad ng kanilang mga tinda na bagaman malaki ang puhunan, malaki rin naman ang kita.- Ulat ni Mary Joy Perez


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *