Binata nanlaban umano sa mga pulis, patay sa buy-bust sa Cabanatuan City; Sibat Target sa Quezon, todas sa engkwentro

Dead on the spot ang isang binata na nanlaban umano sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Cabanatuan City noong July 14, 2019.

Kinilala ang suspek na si Jeffrey Gatchalian y Fortunato alayas Jepoy, 29 years old at residente ng Purok Kwatro, barangay Imelda.

Ayon sa report ng Cabanatuan Police Station, bandang 3:10 ng madaling araw, nakatunog si Jepoy kaya bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga operatibang katransaksyon ngunit wala itong tinamaan.

Narekober ng SOCO ang tricycle na ginamit ni Jeffrey Gatchalian na napatay sa buy-bust operation sa Cabanatuan City.

Ginantihan naman ng putok ng mga pulis ang suspek na nagresulta sa agad nitong kamatayan.

Narekober ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen ang isang homemade paltik na kargado ng bala, isang piraso ng selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na nabili ng mga pulis kay Gatchalian, tatlong basyo ng bala ng caliber 9mm at isang Kawasaki CT100 Bajaj motorized tricycle.

Nakuha naman mula sa bangkay ng suspek ang sling bag na may pitaka na naglalaman ng labing isang sachet ng hinihinalang shabu at isang five hundred peso bill na ginamit na marked money.

Samantala, patay sa engkwentro ang isa sa mga kasama sa Sibat Target sa bayan ng Quezon.

Nagtamo ng malubhang sugat sa dibdib ang suspek na si Christian Gamboa y Roque alyas Crisanto Gamboa at Tikong, 34-anyos, may asawa at tubong San Felipe, Aliaga.

Sakay umano ng motorsiklo si Christian Gamboa nang barilin ang mga pulis na nagpanggap na bumibili ng shabu sa Quezon.

Base sa ulat ng Quezon Police Station, dakong 8:45 ng gabi noong July 15, 2019 nakasakay ng kanyang motorsiklo ang suspek nang barilin nito ang pulis na nagpanggap na bumibili sa kanya ng illegal na droga.

Dahil dito ay napilitang lumabas ang mga backup na mga nakakubli at pinagbabaril si alyas Tikong na nauwi sa kamatayan nito.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *