BINGO FOR A CAUSE, ISINAGAWA SA JOSEPH RAY B. YANG CANCER INSTITUTE; P 100,000 NA NALIKOM, IBABAHAGING MULI SA MGA INDIGENT CANCER PATIENT

BINGO FOR A CAUSE, ISINAGAWA SA JOSEPH RAY B. YANG CANCER INSTITUE; MAHIGIT 500 KATAO, NAG-ENJOY SA PALARO
BINGO FOR A CAUSE, ISINAGAWA SA JOSEPH RAY B. YANG CANCER INSTITUE; MAHIGIT 500 KATAO, NAG-ENJOY SA PALARO

Pangalawang taon nang isinasagawa ng Joseph Ray B. Yang Cancer Institute sa pangunguna ng mag-asawang Dr. Reynaldo C. Yang at Dr. Sylvia B. Yang, ang pagtulong sa mga indigent cancer patient.

Ngayong taon, isang BINGO for a Cause ang kanilang paraan upang makakalap ng pondong ibabahagi sa mga nga ito.

Ang ganitong klaseng palaro ay kanilang ginagawa para sa kanilang anak na si Joseph Ray na namatay noong November, 2009 dahil sa Bone Cancer. 

 

P 100, 000, HALAGANG NALIKOM SA BINGO FOR A CAUSE NA IBABAHAGI SA MGA INDIGENT CANCER PATIENT
P 100, 000, HALAGANG NALIKOM SA BINGO FOR A CAUSE NA IBABAHAGI SA MGA INDIGENT CANCER PATIENT

Noong nakaraang taon, isang Fun Run ang kanilang diskarte para labanan ang cancer na nakalikom ng  P200, 000 na ibinigay sa 11 indigent cancer patients.

Bagaman ngayong taon ay mas lumiit ang nakuha mula sa mga nabentang Bingo Cards na umabot sa P 100,000 ay masaya naman ang president ng Cancer Institute na si Dr, Reynaldo B. Yang.

Ayon sa kanya mas masaya at mas simple ang BINGO kung ikukumpara noong nakaraang taon.

Nasiyahan naman ang mga nagsidalong mga doktor mula sa iba’t ibang ospital, empleyado ng Premiere Medical Center at estudyante ng NEUST sa kanilang pa-BINGO.

Umabot sa tatlong set ang BINGO na ipinamigay ang 2 kabang bigas para sa Game 1, 22” LED Television at window type air conditioner na naswertahang naiuwi nina Janine Yango, Airish Payat, Marlon at Dra. Lilibeth Llacuna.

Bukod dito, nagpamigay din ang Joseph Ray B. Yang Cancer Institute ng mga gift certificate mula sa Hapag Vicenticos, Barj Café, at Hap Chan.- Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *