Birth certificate ‘di na kailangan sa passport renewal – DFA

Hindi na kailangan ang birth certificate sa pag-renew ng mga passport na inisyu hanggang 2009, ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Sinabi ni Locsin na nag-isyu na siya ng kautusan na alisin ang birth certificate requirement sa passport renewal.?

“Signing order remo­ving birth certificate requirement for passport renewals. Old passport is more than sufficient,” sabi ni Locsin sa kanyang tweet.

Una rito, ibinunyag ni Locsin na ang dating contractor ng DFA na Oberthur Technologies ang tumangay sa lahat ng passport data.

Read more: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/01/16/1885495/birth-certificate-di-na-kailangan-sa-passport-renewal-dfa#CQxxIcyfC45fApRw.99


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *