BM Andrew Biscalog, binigyang pagkilala sa kaniyang panunungkulan sa Sangguniang Panlalawigan

Puno ng kagalakan na tinanggap ni Bokal Andrew Biscalog ang pagkilala na iginawad ng Sangguniang Panlalawigan sa kaniyang panunungkulan bilang Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) sa konseho, noong January 28, 2020.

Pasasalamat ang ipinabatid ni IPMR President BM Biscalog sa mga kasamahan sa SP dahil sa pakikiisa sa kaniyang mga adhikain para sa mga katutubong Novo Ecijano. Matapos ang tatlong taon na paninilbihan mula taong 2017 hanggang 2020.

Si BM Biscalog ang isa sa pangunahing may akda ng Ordinance No. IP012018 o tinatawag na “Nueva Ecija Indigenous People Thanksgiving Day” na ipinagdiriwang tuwing October 29 na layunin na mapreserba ang mayamang kultura at maproteksiyunan ang karapatan ng mga katutubo.

Sa pamamagitan kasi nito ay mas lalong mapapasigla ang turismo ng mahigit isang daan at dalawampong libong katutubo na naninirahan sa labing tatlong bayan at siyudad sa lalawigan.

Ayon kay Vice Governor Anthony Umali, hinihintay na lang nila ang abiso ng National Commission on Indigenous People (NCIP) para sa pag-upo ng susunod na pangulo ng IPMR.

Ang hahalili kay BM Biscalog ay si BM Emmanuel “Tamboy” Domingo na galing sa tribu ng dumagat sa Sitio Pag-Asa, Malinao, Gabaldon. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *