Boracay, masigla ang turismo isang taon matapos ang rehabilitasyon

Isang taon matapos ang rehabilitasyon  ng Boracay ay  patuloy pa rin  ang pag bisita  ng mga turista sa isla  bagama’t malaki na ang ipinagbago nito mula sa pagiging party island.

Sa ganda ng puting buhangin, asul na dagat at dami ng turista hindi mo akakalain na ang Boracay noong nakaraang taon ay anim na buwang ipinasara dahil  sa  nagkalat na  basura at pagkasira ng kalikasan dala ng  over tourism.

Ipinatanggal ang mga establishimiento sa  coast line ng  Boracay  na  dati ay puno ng kubo at tindahan.

Ayon kay  Sharmen front office supervisor ng Coast Resort sa anim na buwang rehabilitasyon ng Boracay  ay malaki na ang ipinagbago nito.

Sa aming panayam kay  Ronell na ang pagpapa booking para sa iba’t ibang activities sa Boracay ang ikinabubuhay aniya  naging tahimik lang ang Boracay ng ipasara ito.

Matatandaang mula April hanggang Nov 2018 ay ipinasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Boracay upang ayusin ang waste disposal system at limitahan ang dami ng turista na pumpasok dito.

Sa kasalukuyan ay  nasa 6,500 turista lamang ang pinapayagan sa isla at kinakailangan ay I verify pa ang booking ng mga turistang nais mag overnight stay bago makapasok sa Boracay.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *