Boxing mitts sa Ripped Fitness Gym, epektibong pampalakas at pampapayat ng katawan

Isa ang boxing mitts sa ehersisyo na maraming magandang benepisyo na makukuha na hindi lamang para sa mga kabataan kundi sa mga katandaan din.

Ayon kay Mina Caniero , may-ari ng Ripped Fitness Gym sa Cabanatuan City, marami nang Novo Ecijano ang nahihilig dito kaya naman inooffer nila ito sa mga gustong magbawas ng timbang, magpaliksi at magpalakas ng katawan.

Bukod sa boxing may iba’t iba ring program sa Ripped Gym gaya ng cardio master o stationary bike.

Ito ay para sa mga nag-sisimula palang na magehersisyo, nagpapalakas ito ng kalamnan na nakapaligid sa inyong mga tuhod kung ikaw ay mabilis mapagod o manghina.

Habang ang lat pulldown cable machine na kanilang iniindorso, ay nag-papaaktibo sa itaas na parte ng katawan lalo na sa balikat.

Isa si Mickie Morales mula sa bayan ng Sta. Rosa na nagnanais magkaroon ng slim body at magbawas ng timbang kayat sumubok ito na mag workout.

Nagkakahalaga ng tatlumpung piso ang kada session sa Ripped Fitness Gym. May karagdagang sampumpiso naman para sa mga nagnanais na gumamit ng threadmill.

Mayroon din silang monthly session para sa mga regular costumers na umaabot lang sa five hundred fifty pesos.

Kaya sa mga overweight at nagnanais na magkaroon ng magandang resistensya pumunta lang kayo sa Ripped Fitness Gym na matatagpuan sa Hap Chan building sa 3rd floor H.Conception, Cabanatuan city.

Bukas ang Ripped gym Lunes hanggang Linggo mula 5:30 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi. -Ulat ni Myrrh Guevarra


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *