BRIGADA ESKWELA, UMARANGKADA NA

Umarangkada na ang taunang brigada eskwela ng Department of Education bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa June 1.

Ang brigada eskwela o National Maintenance Week ay nilakipan ngayong taon ng temang “Tayo para sa Kalinisan, Kaligtasan at Kahandaan ng ating mga Paaralan” na sabayang isinasagawa sa iba’t-ibang pampublikong paaralan sa bansa.

Nakiisa ang mga estudyante, magulang, guro, kapulisan, militar at non-government organizations sa isang linggong malawakang School Repair-Cleaning Program.

Buhos ang suporta ng pamahalaang panlalawigan sa lahat ng pampublikong paaralan sa lalawigan para sa brigada eskwela na kinapapalooban ng apat na R’s ang reuse, repaint, repair at recycle.

Walang hanggang pasasalamat naman ang inihayag ng principal ng NEHS o Nueva Ecija High School, sa sama-samang pagkilos ng lahat upang tiyakin ang kahandaan ng eskwelahan sa pagbubukas ng klase.

Ang NEHS, ay tinaguriang Hall Of Famer noong nakaraang taon sa buong dibisyon ng Nueva Ecija pagdating sa brigada eskwela.- Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *