Budang Laking Putong Puti, itinampok sa “Puto Festival” ng Bayan Peñaranda

Hindi pa man nagsisimula ay pinag-agawan at pinagkaguluhan na ng mga residente ng Budang Gandang Bayan ng Peñaranda ang itinampok nilang Budang Laking Putong Puti na isa sa mga ipinagmamalaking produkto ng naturang Bayan, bilang selebrasyon ng kanilang “Puto Festival”.

Ayon kay Mayor Ferdinand “blueboy” Abesamis, isa lamang itong paraan upang mas lalong makilala ang kanilang Bayan pagdating sa mga produktong kakanin.

Sama-samang nagtulong ang mga residente sa pagbuo ng Budang Laking Putong Puti na may taas na 22 feet o 6.7 diameter.

Sa dalawang oras na matiyagang pagbuo nito, pagkaraan lamang ng dalawang minuto ay tila hinagupit na ito ng bagyo.

Kanya-kanya nang hablot ang bawat residente, sabay silid sa kanilang mga inihandang malalaking supot.

Sa matiyagang pagbuo nito, ay lalong naipakita ang maigting na pagkakaisa ng mga mamamayan sa Peñaranda. Mula sa boluntaryong pagbibigay ng mga sangkap sa pagluto ng putong puti, Hanggang sa pagsasalansan nito sa napakalaking bilao.

Tunay na ang bayanihan ay buhay na buhay sa naturang Bayan.

Dagdag pa ni Mayor Abesamis, hindi matatapos ang kanilang mga ganitong pakulo, dahil sa susunod na taon Budang Laking Bibingkang Kanin naman ang kanilang itatampok. -ULAT NI DANIRA GABRIEL

02


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *