BULLYING, MAAARI NANG ISUMBONG ONLINE

Madalas nakararanas ng pam-bubully ang Grade 5 student na si “Grace” di niya tunay na pangalan, sa kanyang mga kapwa kamag-aral.

Bunsod ng dumaraming kaso ng mga pambu-bully sa mga eskwelahan. Sinisimulan na ng DEPED o Department Of Education ang tinatawag nilang E-SABAC o Electronic Students Anti-bullying Center.

Ayon kay Dr. George Tizon ng DEPED Taguig-Pateros,  marami silang nalalaman na biktima ng bullying pero, iilan lamang sa mga ito ang merong pormal na dokumento.

Sa E-SABAC, maaaring magsumbong online ang estudyante o ang kanyang magulang. Kailangan lang mag log-in sa Facebook at i-type sa search engine ang DEPED TAPAT E-SABAC. Pagdating sa Website, i-click ang message button at ibigay ang mga impormasyon na kailangan.

Nagsimula na itong ipatupad sa Taguig at Pateros at kailangan na rin sumunod ng mga iba pang lungsod.

Ang Republic Act 10627 o Anti-bullying Act of 2013 ay ang batas na nagbabawal sa anumang uri ng pambu-bully sa loob ng paaralan, sa mga school related functions at maging sa pamamagitan ng teknolihiya.

Ang sinumang mapapatunayang nambully ay papatawan ng kaukulang parusa habang ang nagsumbong ng pambu-bully ay mananatiling confidential. – Ulat ni Danira Gabriel

[youtube=http://youtu.be/ncTOuLPiXf8]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *