Bureau of Fire nagsagawa ng fire drill at inspection sa Gabaldon Medical and Community Hospital

Naging masusi ang  Bureau of Fire Protection Gabaldon sa kanilang isinagawang Fire Drill at General Inspection sa gusali ng  Gabaldon Medicare and Community Hospital.

Ayon Kay Fire Officer Gemnar Montoya  nag ikot ang mga  fire officer  sa buong building upang makita ang  evacuation plan,  emergency exits, fire alarm system, facility at electrical wirings upang masiguro na ligtas ang mga personnel ng ospital at mga pasyente kung sakaling magkaroon ng sunog o lindol.

Isa-isang ininspeksyon ng BFP Gabaldon ang mga emergency lights
at iba pang pasilidad ng Gabaldon MCH.

Matapos ang inspeksyon ay isinunod naman ang fire drill kung saan itinuro ng BFP  ang tamang paraan ng paggamit ng fire extinguisher sa mga staff ng ospital.

Pasado umano  ang Gabaldon Medicare sa kanilang isinagawang pagsusuri sa kahandaan sa panahon ng sakuna.

Paalala ng BFP kinakailangang accessible at hindi naka lock ang mga fire exists ng mga establisyimento upang madali itong magamit sa oras ng sunog, lindol at iba pang sakuna.  – Ulat ni Amber Salazar

Watch – Bureau of Fire nagsagawa ng fire drill at inspection sa Gabaldon Medical and Community Hospital


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *