Cabanatuan City Central Terminal, Isasa-pribado

Ibinunyag ni Konsehal Ariel Severino na malapit ng maisa-pribado ang Cabanatuan City Central Terminal.
Ibinunyag ni Konsehal Ariel Severino na malapit ng maisa-pribado ang Cabanatuan City Central Terminal.

Inaalok na umano sa mga investors ang Cabanatuan City Central Terminal bilang parte ng bidding para sa proseso ng pribatisasyon nito.

Ito ang isiniwalat ni Konsehal Ariel Severino sa harap ng mga mamamahayag sa kickoff activity ng Nueva Ecija Press Club Incorporated.

Paliwanag ni Konsehal Severino, parerentahan ang Central Terminal sa loob ng tatlumpong taon sa layuning mapaganda ito.

Si Konsehal Ariel Severino sa harap ng Nueva Ecija Press Club Inc.
Si Konsehal Ariel Severino sa harap ng Nueva Ecija Press Club Inc.

Tinimbang aniya ng mabuti ng konseho ang pagsasa-pribado ng terminal.

Inamin ni Konsehal Ariel na isa sya sa mga sumuporta sa proyektong ito ng Pamahalaang Lokal ng Cabanatuan.

Nilinaw niyang hindi siya magiging sagabal sa sinasabing pag-unlad ng Cabanatuan kung makabubuti ito sa taong bayan ngunit kung makasasama ay nakahanda siyang manindigan sa tama kasama ng iba pang konsehal.- ulat ni Clariza de Guzman

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *