Cabanatuan City Consumer’s Assoc., Suportado ang Laban sa Isyu ng Mataas na Singil sa Kuryente

Dobol P with the officials of Cabanatuan City Consumer’s Association.
Dobol P with the officials of Cabanatuan City Consumer’s Association.

Dumalo sa arraignment o pagbasa ng sakdal kay Philip “Dobol P” Piccio para sa apat na kaso ng libel ang mga opisyal at ilang miyembro ng Cabanatuan City Consumer’s Association na ginanap sa RTC Branch 29.

Ayon kay Pastor Fortunato Caliz, Presidente ng Consumer’s Association ng Cabanatuan, nanood sila ng arraignment bilang pagpapakita ng kanilang suporta kay Dobol P.

Tinitiyak ng mga opisyal ng Consumer’s Association na sasamahan nila sa kanyang laban si Dobol P na kilala bilang “Boses ng Katotohanan” dahil sa pagtalakay at pagtuligsa nito sa mga isyu sa lipunan katulad ng diumano’y mataas na singil sa kuryente ng CELCOR o Cabanatuan City Electric Corporation kung saan Presidente at Finance Chief Officer ang asawa ni Mayor Jay Vergara na si Ria Vergara na dahilan kung bakit siya kinasuhan ng huli ng libelo.

Naniniwala ang mga konsumedores na nasa tamang panig si Dobol P kung kaya marapat lang umano na subaybayan ng taong bayan ang laban nito kontra libelo at kuryente sa Cabanatuan.- ulat ni Clariza de Guzman

 

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *