Cabanatuan City Vice Mayor Anthony Umali, bagong Chairman ng League of Vice Mayors sa Region 3

   Iniluklok si Vice Mayor Anthony Umali, bilang bagong Chairman ng Vice Mayors League Philippines (VMLP) sa Region 3, sa katatapos lamang na Regional Assembly election of VMLP na ginanap sa Angeles City, Pampanga.

   Ayon kay Vice Mayor Umali, isang karangalan na katawanin ang probinsiya ng Nueva Ecija sa buong rehiyon.

   Dikit ang naging laban ni Vice Mayor Umali sa kaniyang nakatunggali na si Vice Mayor Banjo Estrella ng Bulacan. Nanalo si Umali sa botong 38-35 laban kay Estrella.

   Pahayag pa ni Umali, balak nilang mga Bise Alkalde na magsagawa ng lectures and seminars upang mahasa ang kanilang kaalaman ukol sa mga batas. Kabilang na ang pagtalakay sa Federalism na isunusulong ng administrasyong Duterte.

   Giit ni Vice Mayor Umali, malaki ang ginagampanan ng mga Bise Alkalde sa paglilingkod at pagbibigay ng serbisyo sa taong bayan. Nais umano nitong burahin sa kaisipan ng mga mamamayan na ang mga Bise Alkalde ay pawang mga “spare tire” o panghalili lamang sa mga Alkalde.

VICE MAYORS’ LEAGUE OF THE PHILIPPINES

REGION 3

CHAIRMAN: ANTHONY UMALI

VICE CHAIRMAN: CHRISTIAN HALILI

SEC. GENERAL: ROSAURO TAYAG

TREASURER:  MA. KHRISTINE DELA FUENTE

AUDITOR: BENJAMIN TAWATAO

PRO: LUGIL RAGADIO

B.O.D.s:

OSCAR PADUA

PAULINO SANGIL

RON DEL ROSARIO

ALDRIN STA. ANA

MICHAEL GALANG

GENEROSO AMOG

ANSELMO RODIEL

CHAPTER PRESIDENTS:

PEDRO ONG JR.

BANJO ESTRELLA

DANILO DAVID

   Ang Region 3 ay binubuo ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.

-Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *