Cabanatuenyong OFW na minamaltrato ng employer sa Saudi, inaasahang makakauwi na sa bansa

Inaasahang makakauwi  na ngayong linggo sa Pilipinas si Crisanta Avelino na isang Cabanatuenyong OFW sa Saudi na biktima ng pagmamaltrato ng kanyang amo.

Sa tulong ng Kalinga Ministry, Malasakit OFW help desk at iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay makakauwi na ngayong linggo si Crisanta sa kanyang pamilya.  Sa kanyang binitiwang salaysay sa Kalinga Ministry ilang uri ng pang-aabuso ang kanyang tinamo sa kamay ng kanyang employer at ito ang ilan sa mga ito:

  • Ibinenta  sya ng naunang employer sa kamag anak nito sa halagangf 20,000 Riyals o mahigit 272 thousand pesos.
  • Pinagbubuhat sya ng carpet na  mahigit  50 kilo ang bigat.
  • Nagkakasakit sya katulad ng ulcer at masakit na ngipin ngunit hindi ipinagagamot.
  •  Naglilinis sya ng apat na bahay, binibigyan ng 4-5 oras lamang ang pahinga at Delayed ang sweldo.

 Ito ay ilan lamang sa abusong tinamo ni Crisanta sa kanyang amo kaya naman ninais ni Crisanta na umuwi na lamang ng bansa.

Labis na hinagpis naman ang makikita kay Amelia Avelino dahil sa sinapit ng kanyang anak kaya patuloy syang nanawagan hanggang sa matupad ang hiling nito na makauwi sa Pilipinas ang kanyang anak.

 Lumipad sa Saudi Arabia si Crisanta noong January 18 2018 sa kagustuhang matulungan ang kanyang pamilya, kinakasama  at apat na anak.  Inaasahang makakabalik na ng bansa si Crisanta bukas araw ng Huwebes.-Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *